Isa ito sa pinaka-common na tanong ng mga aspiring freelancers: “Pwede na ba akong mag-resign sa full-time job ko?”
The Honest Answer? Depende.
Hindi porket may idea ka na sa freelancing ay automatic na safe ka nang mag-resign. Kailangan itong pag-isipan at paghandaan.
Mga Tanong na Dapat Mong Sagutin:
1. May ipon ka ba good for 3-6 months?
Dahil hindi stable agad ang income sa freelancing, dapat may emergency fund ka muna.
2. May dalawa o higit pang clients ka na ba?
Kung meron ka nang part-time freelance work at consistent ang projects mo, baka ready ka na. Pero kung wala pa, stay muna sa day job mo habang nagsisimula.
3. Ready ka ba emotionally at mentally?
Walang boss na mag-uutos sayo. Freelancing requires self-discipline, time management, and grit.
4. May support system ka ba?
Mahalaga na may kausap ka o community para hindi ka ma-burnout or madiscourage.
Recommended Path:
- Step 1: Learn a skill
- Step 2: Get 1-2 clients part-time
- Step 3: Build savings
- Step 4: Pag consistent na, saka mag full-time freelancing
My Personal Take: Huwag ka basta mag-resign out of frustration. Gamitin mo ang day job mo as “funder” para makapag-transition ka ng maayos sa freelancing.
Freelancing is worth it — but only if you do it the smart and strategic way.