Paano Maging Video Editor Virtual Assistant
Short-form videos ang hari ngayon sa Facebook, TikTok, Instagram, at YouTube. Ang mga creators at negosyo ay kailangang mag-post nang madalas, kaya malaki ang demand sa video editors.
Kung mahilig ka nang mag-edit sa phone, malaking head start na iyan. Kailangan mo lang matutunan kung paano gawin ito nang mabilis at pang-client.
Ano ang ginagawa ng Video Editor VA?
- Pag-edit ng short-form videos (Reels, TikTok, Shorts)
- Paglalagay ng captions, text, at music
- Pag-cut ng long videos at podcasts into clips
- Paggawa ng thumbnails
- Pag-organize at pag-deliver ng files sa client
Mga tools na matututunan mo
- Video editing software
- AI tools para sa captions at mabilis na edits
- Google Drive para sa files
Para kanino ito bagay?
| Kung ikaw ay... | Bakit swak |
|---|---|
| Mahilig mag-edit sa phone | May head start ka na |
| Creative | Kita agad ang gawa mo |
| Mahina sa English | Mas kaunti ang kailangang communication |
Ano ang kailangan para makapagsimula?
- Laptop o desktop (pwede na ang basic, hindi kailangan ng mamahalin)
- Stable na internet, at backup tulad ng pocket WiFi o mobile data
- Tahimik na lugar kung may calls o meetings
- Willing matuto ng bagong tools
Hindi mo kailangan ng VA experience. Ang kailangan mo ay tamang training at diskarte sa pag-apply.
Paano magsimula: 4 steps
- Pumili ng isang skill na uunahin. Huwag sabay-sabay. Mas madaling makakuha ng client kung malinaw kung ano ang inaalok mo.
- Aralin ang tools at process. Dito pumapasok ang step-by-step na training para hindi ka manghula.
- Gumawa ng simple portfolio. Kahit sample work lang muna, basta ipinapakita kung ano ang kaya mong gawin.
- Mag-apply nang tuloy-tuloy. Gumamit ng maayos na proposal at i-follow up ang applications mo.
Gusto mo ng step-by-step na training?
Ang AI Video Editing Course: Matutong mag-edit ng videos gamit ang AI, kahit beginner ka. Para sa mga gustong maging video editor ng creators, coaches at small businesses.
Simulan ang AI Video Editing Course para sa ₱349 langFAQs
Kailangan ba ng malakas na laptop?
Mas maganda ang laptop na kaya ang editing, pero sa tulong ng AI at tamang settings, kaya ito kahit hindi mamahalin.
Beginner ako sa editing. Pwede ba?
Oo. Beginner-friendly ang AI Video Editing Course ng Kurso.
Magkano ang kita ng isang VA?
Depende sa client, sa tasks, at sa experience mo. Sa training, ituturo namin kung paano mag-set ng tamang rate para sa level mo.
Anong klaseng clients ang kumukuha ng video editor?
Content creators, coaches, podcasters, at small businesses na nagpo-post sa social media.