Paano Makakuha ng Unang Client Bilang Virtual Assistant
Ang unang client ang pinakamahirap makuha. Pagkatapos noon, may experience ka na, may review ka na, at mas madali na ang susunod.
Ang sikreto ay hindi swerte. Ito ay malinaw na offer, maayos na proposal, at tuloy-tuloy na pag-apply.
Saan naghahanap ng VA ang clients?
- Job boards tulad ng OnlineJobs.ph at Upwork
- Facebook groups para sa VAs at small business owners
- LinkedIn para sa mas corporate na clients
- Referrals mula sa kakilala at sa ibang VAs
Step-by-step para sa unang client
- Linawin ang offer mo. Halimbawa: "Social media VA para sa small businesses."
- Ihanda ang portfolio: 2 to 3 samples na swak sa offer mo.
- Gumawa ng resume at profile na nakatuon sa skill mo.
- Mag-apply araw-araw sa mga job posts na swak sa iyo.
- I-customize ang bawat proposal. Banggitin ang mismong kailangan ng client sa post nila.
- I-follow up nang maayos at magalang.
Mga red flags na dapat iwasan
- Client na humihingi ng bayad bago ka magsimula
- Mga offer na sobrang ganda para maging totoo
- Mga gustong lumipat agad sa ibang app nang walang malinaw na job details
- Mga humihingi ng personal na impormasyon tulad ng bank details bago pa ang kontrata
Gusto mo ng step-by-step na training?
Ang Ultimate VA Course (VA Bundle): Step-by-step na training para maging Virtual Assistant kahit walang experience. Kasama ang Social Media Management, Email Management, Copywriting, Podcast Editing, Bookkeeping at VA Toolkit, at ituturo namin kung saan at paano kayo makakakuha ng clients.
Simulan ang VA Course para saFAQs
Ilang applications bago makakuha ng client?
Iba-iba. Ang mahalaga ay consistency at pag-improve ng proposal mo habang tumatagal. Ituturo namin kung saan at paano kayo makakakuha ng clients, tapos aapplyan niyo na lang.
Kailangan ko bang mag-bayad para makapag-apply?
May mga platform na may free option. Iwasan ang client na humihingi ng bayad sa iyo para makapagsimula.
Magkano ang kita ng isang VA?
Depende sa client, sa tasks, at sa experience mo. Sa training, ituturo namin kung paano mag-set ng tamang rate para sa level mo.
May tutulong ba sa akin gumawa ng proposal?
Kasama sa training ang proposal templates, at pwede mo ring gamitin ang Kurso Job Helper para sa cover letter at proposal plan.