Paano Maging Bookkeeping Virtual Assistant
Bawat negosyo ay kailangang mag-record ng pera na pumapasok at lumalabas. Pero maraming small business owners ang walang oras o hindi alam kung paano. Dito pumapasok ang Bookkeeping VA.
Hindi mo kailangang maging CPA. Ang kailangan ay pagiging maingat, organized, at kaalaman sa basic bookkeeping at tools.
Ano ang ginagawa ng Bookkeeping VA?
- Pag-record ng income at expenses
- Pag-categorize ng transactions
- Pag-reconcile ng bank statements
- Pag-organize ng receipts at invoices
- Paggawa ng simpleng monthly reports
Mga tools na matututunan mo
- Google Sheets o Excel
- Accounting software na ginagamit ng clients
- Receipt at invoice tools
Para kanino ito bagay?
| Kung ikaw ay... | Bakit swak |
|---|---|
| Maingat at mahilig sa numbers | Detalye ang trabaho |
| Business o accounting grad | Magagamit mo ang pinag-aralan mo |
| Mom o introvert | Project-based at kaunting calls |
Ano ang kailangan para makapagsimula?
- Laptop o desktop (pwede na ang basic, hindi kailangan ng mamahalin)
- Stable na internet, at backup tulad ng pocket WiFi o mobile data
- Tahimik na lugar kung may calls o meetings
- Willing matuto ng bagong tools
Hindi mo kailangan ng VA experience. Ang kailangan mo ay tamang training at diskarte sa pag-apply.
Paano magsimula: 4 steps
- Pumili ng isang skill na uunahin. Huwag sabay-sabay. Mas madaling makakuha ng client kung malinaw kung ano ang inaalok mo.
- Aralin ang tools at process. Dito pumapasok ang step-by-step na training para hindi ka manghula.
- Gumawa ng simple portfolio. Kahit sample work lang muna, basta ipinapakita kung ano ang kaya mong gawin.
- Mag-apply nang tuloy-tuloy. Gumamit ng maayos na proposal at i-follow up ang applications mo.
Gusto mo ng step-by-step na training?
Ang Ultimate VA Course (VA Bundle): Step-by-step na training para maging Virtual Assistant kahit walang experience. Kasama ang Social Media Management, Email Management, Copywriting, Podcast Editing, Bookkeeping at VA Toolkit, at ituturo namin kung saan at paano kayo makakakuha ng clients.
Simulan ang VA Course para saFAQs
Kailangan bang accountant ako?
Hindi. Ang bookkeeping ay pag-record at pag-organize. Ang mas komplikadong accounting at tax work ay para sa CPA ng client.
Kasama ba ang Bookkeeping sa VA Bundle?
Oo, kasama ito sa VA Bundle ng Kurso.
Magkano ang kita ng isang VA?
Depende sa client, sa tasks, at sa experience mo. Sa training, ituturo namin kung paano mag-set ng tamang rate para sa level mo.
Kailangan ba ng mamahaling laptop?
Hindi. Pwede na ang basic na laptop na kayang mag-browser, Google Docs at video calls. Mas importante ang stable na internet.