How I Started Freelancing with Zero Clients and No Portfolio

Let me share a quick story. Nagsimula ako sa freelancing na wala talagang alam. Wala akong kilala, walang experience, at walang portfolio. Pero may isang bagay akong dala-dala: desire to learn.

Step 1: Nag-research muna ako.

Hindi ako bumili agad ng course. YouTube ang una kong teacher. Pinanood ko lahat — paano gumawa ng online profile, paano mag-apply, ano ang mga in-demand skills, etc. Doon ko unang narinig ang virtual assistant at lead generation.

Step 2: Pumili ako ng isang skill.

Sa sobrang dami ng pwedeng gawin, nakaka-overwhelm. Kaya sabi ko sa sarili ko, “Isa lang muna.” Virtual assistance ang pinili ko kasi related siya sa admin tasks na ginagawa ko sa dati kong trabaho.

Step 3: Gumawa ako ng mock portfolio.

Wala pa akong client? Okay lang. Gumawa ako ng fake projects: sample email reply, Google calendar schedule, basic spreadsheet. Ipinakita ko ito sa portfolio ko para may proof of skill.

Step 4: Sumali ako sa mga freelancing FB groups.

Ang daming helpful communities. Doon ako nakahanap ng mentors, free resources, at job opportunities. Natutunan ko rin na normal lang ma-seenzone o ma-reject.

Step 5: Nag-apply ako kahit kabado.

Yup, kahit feeling ko hindi pa ako ready. Pero dahil lagi akong nag-aapply, may isang client na nagtiwala. Small project lang, pero sobrang laking bagay para sa confidence ko.

Ngayon, freelancing na ang main source of income ko. Nakakatulong na ako sa pamilya, mas hawak ko ang oras ko, at hindi na ako nakatali sa 9-5.

Final Thoughts:

Kung nakapagsimula ako, kaya mo rin. Hindi mo kailangan maging expert agad. Ang kailangan mo lang ay willingness to try, learn, and keep going.

One step at a time lang. 💪

Leave a Comment